Ilang beses na rin akong nakasakay sa Taguig Metro Link Bus. Masasabi ko na maayos ang pagpatakbo ng drayber, mabilis na maingat at hindi gahaman sa pasahero.
Ilang beses na rin akong nakarinig ng magandang kwento tungkol dito. Eto ang isang blog na nagpapatunay:
http://www.catuira.com/tag/taguig-metro-link/
Subalit noong isang araw ay naranasan ko ang kabastusan ng isang konduktor nila. Eto ang kwento.
Sumakay ako sa may Makati bandang 5:30 ng hapon. Pagpasok ko pa lang ay napansin ko na malakas ang tugtog na medyo rock sa radyo. Medyo masakit ang ulo ko noon kaya maayos kong sinabi sa konduktor na
"Sir, pwede po bang pakihina ang radyo."
Sinigaw ng konduktor sa drayber na hinaan ang radyo at hininaan naman ito.
Paglabas ng bus sa Edsa, nilakasan na naman ang radyo. Muli akong nakiusap sa konduktor.
Dito nya pabalang na sinabi, "Ang hina-hina na nga e."
Batid ko na naiinis siya dahil mukha siyang nag-sound tripping, kaya sabi ko, "Kung ayaw niyo hinaan, sabihin niyo ng maayos".
Naiinis niyang sinabi, "Kung gusto mo, ikaw mag-control ng volume sa harap."
Walang patutunguhan ang pakikipag-away sa taong baliktad mag-isip kaya tinanong ko na lang, "Anong plate number nyo at magrereklamo na lang ako sa kumpanya niyo."
Medyo nahimasmasan siya dito at ang sabi, "Di na kailangan ng ganyan."
Itong karanasan ko na ito ay aking naikwento hindi para siraan ang Taguig Metro Link kundi para mas maganda pa ang kanilang serbisyo at masabihan ang ilang tauhan na sa lahat ng oras ay dapat maging magalang sa mga pasahero.
Oo nga pala TYS 470 ang plate number ng naturang bus.

No comments:
Post a Comment